Sunday, September 07, 2008

Blog Book na tayo, sa wakas! Syet ang tagal!

News Flash: Blog Book to be Released

It may be long delayed but it was worth the wait. The blog book 'Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista' will be available starting Sept. 12-16 at the 29th Manila International Book Fair at the Mall of Asia's Halls 1-4 SMX Convention Center. Published by Tahanan Books, it is a compilation of original blog entries that started in 2005. The book will be available at all major bookstores.

Here's the post in http:ellaganda.com

Wednesday, August 09, 2006

Exit, stage right

I had originally planned this as my goodbye post. Unfortunately, I don’t think I can make a permanent exit. It’s been a lot of fun for me doing this, making new friends (and a few enemies) and just releasing my angst (or angsts, ang dami kasi). So much in fact that I am sure to be back when time allows. I just don’t know when.

Maybe, I’ll be transferring to a new site......with a new name/title. Mukhang dapat na nga akong magpalit ng URL (nagbabagong-buhay na raw kuno si Ella hehehe). Nalulungkot ako but, as the saying goes.....all good things must end. I want to thank all of you sa pagtitiyagang magbasa sa mga kuwento ko.

Kahit matagal, my book project has been moving forward. Pag lumabas na ang book, bili kayo, ha? (para kumita naman ang byuti ko hehehe). National Bookstore will be carrying the title.

So I won’t say goodbye. Instead, I’ll just say..... by your leave, my friends. Paalam muna. Until we meet again...

P.S. dahil hanggang sa huling sandali, makulit talaga ako at mahilig magpahula, may bagong game ako para sa blogkada. “Hanapin si Ella!” nyahahaha! *joke*. O sige, see you later, y'all!

*Curtains Close*

"Curtains open ulit" - my new sites Blog ni Ella http://ellaganda.com
Ella Rose http://ellarose.wordpress.com

Tuesday, May 02, 2006

Maliwanag na bigotry at racism



(Luc (right) eats in traditional Filipino fashion, with a spoon and fork, as his mother Maria Gallardo and sister Hannah look on. The seven-year-old says his school’s lunch monitor calls the habit ‘disgusting’ and has punished him for it.)

I’m sure marami na sa inyong nakatanggap nito sa email. Pinadala sa akin ni batang palaboy ang article na ito at ibinigay naman ni Art ang link sa site ng West Island Chronicle kung saan puwedeng mag-comment (see below). This news article caused indignation in civilized societies where bigotry and racism are taboo.

“If your son eats like a pig he has to go to another table because this is the way we do it and how we’re going to do it every time.”

This 7 year old Pinoy in Roxboro, Montreal, eats like a pig kasi kutsara’t tinidor ang gamit niya sa pagkain ng lunch. Sabay pinalilipat siya ng upuan ng lunch monitor para kumaing mag-isa sa ibang mesa dahil “disgusting” daw ang eating habits niya. Maraming beses ito nangyari kaya nagreklamo ang Pinay na nanay ng bata at ganito nga ang isinagot ng magiting na prinsipal na si Mang Norman Bergeron.

Medyo matagal akong napatanga nang mabasa ko ito. Wala akong masabi. Ang pumasok sa isip ko agad ay mga mistisong baboy na may hawak na kutsara at tinidor habang kumakain ng kaning-baboy. Ganoon kaya ang mga French-Canadian pigs? Nagkukubyertos?

Ang susunod kong naisip ay sinigang na isda at nilagang bulalo. Kung tinidor lang ang kubyertos natin paano mahihigop ‘yung sabaw? Pagkatapos namroblema naman ako sa kanin. Aba eh, aabutin ako ng maghapon sa mesa, hindi ko makukuha ‘yung kanin sa plato ko. Lalo na ang kaning nilunod sa sabaw ng sinigang. Palagay ko sa damit ko lahat ang bagsak ng pagkain. Kung kutsilyo naman ang ipang-susubo ko, masasaksak pa ang ngala-ngala ko, no! Putsa, timawa ang kalalabasan ko nito. Wala akong makakain!

Hindi kaya dapat eh hangaan ng prinsipal na ito ang mga Pinoy dahil nahihiwa at nahahati-hati natin ang matigas na karne sa pamamagitan ng kutsara’t tinidor lang? Bihira akong makakita ng Pinoy na gumagamit ng kutsilyo. Dapat kasi tatlo ang kamay natin pag kasama pa ito. Eto pa ang mahiwaga, nakakapagbalat tayo ng hipon na gamit ay ang dalawang kubyertos lang na ito. Nakakatanggal pa kamo ng tinik ng bangus na hindi nagdudumi ang mga kamay, ano ka! Pang-Guiness, ‘di ba?

Tanginang mama ‘yon, ah. Tinawag na baboy ang mga Pinoy dahil gumagamit ng kutsara kasabay ng tinidor? Eh, anong klaseng hayup na kaya ang itatawag niya sa akin kapag nagkamay ako tapos nagtaas pa ng isang paa sa silya?

“I don’t necessarily want students to eat with one hand or with only one instrument, I want them to eat intelligently at the table,” he said. “I want them to eat correctly with respect for others who are eating with them. That’s all I ask. Personally, I don’t have any problems with it, but it is not the way you see people eat every day. I have never seen somebody eat with a spoon and a fork at the same time.”

Paano kaya naging principal ang gunggong na taong ito? Mukhang hindi nakapag-aral, eh. O small minded lang talaga dahil hindi pa nakakalabas man lang sa kanyang kapirasong mundo? Hindi ko malaman kung maaawa ako sa ka-ignorantehan niya o mamumuhi ako sa pagka-bigot niya. Eat “intelligently”? Bago ‘yon, ah! Intelligent Eating 101?

According to this exalted school authority, para hindi ka mapagkamalang baboy, isang kamay lang at isang kubyertos lang dapat ang pang-kain mo. Gusto kong tanungin si Mang Norman, ang prinsipal. Bakit, para ‘yung isang kamay mo ay libre sa pag-kamot ng b***g mo habang kumakain ka?

Eto pa ang naisip ko, kung halughugin ko kaya ang kusina ni Mang Norman, wala kaya siyang “stash” ng kutsara at kutsarita? Paano kaya siya humihigop ng soup? Deretso mula sa kaldero?

Wala kaya silang estudyanteng Chinese or Korean? Baka “disgusting”unggoy naman sila dahil gumagamit ng dalawang pirasong patpat. Baka i-require niya na isang pirasong chopstick lang ang puwedeng gamitin. Isang kubyertos din ‘yon di ba? Tusuk-tusukin na lang ng patpat ang pagkain. At gumamit ng straw para sipsipin ang sabaw!

"Madame, you are in Canada. Here in Canada you should eat the way Canadians eat."

And this is from the head of an elementary school? Anong itinuturo niya sa 387 na mga batang estudyante niya? Ang pandirihan ang mga non-Canadians? Huwag igalang at alimurain ang kaugalian at kalinangang kinagisnan ng ibang lahi?

‘Wag sanang maligaw sa Pilipinas ang deputang ito. Kasi malalaman niyang pakialam natin sa kanya kahi’t kalaykay at pala pa ang gamitin niyang kubyertos. Na marunong tayong gumalang sa kaugalian ng iba. Kahi’t nga sungkalin pa niyang parang baboy ang pagkain sa plato niya, keber nating mga Pinoy! Hindi lang ‘yon! Ano kaya ang sasabihin niya pag nakita niya kung ano-ano ang kinakain natin? (refer to street foods post). Mga cannibals o zombies na tayo?

Ito ang masasabi ko. Buhay pa pala ang Ku Klux Klan at si Mang Norman Bergeron ang overall chairman. I’m sure na-traumatize si Luc Cagadoc. Kulang na lang bitayin ‘yung bata dahil gumagamit ng kutsara. O baka ikahiya din siya ng KKK dahil sa sobrang kahunghangan ng mga pangangatwiran niya. Alam ko, hindi lahat ng Canadians ay may ganitong pag-iisip pero ang prinsipal na ito ay isang uber ignoramus na Canadian na nakakasuka!

Comment ko: Hindi naman gago ang mga Pinoy sa ibang bansa, ano! Sa mga restawran at mga handaan, kapag walang kutsara, marunong naman tayong kumain with forks and knives. Kaya lang, this is a seven year old kid, for Christ's sake. Matututo rin siya. Why punish the child?

Isa pang ignoramus na commenter sa site:

What's All the Fuss Aboot?! Jerel Gagne
Article online since April 28 2006
Ewwww. Who eats with a spoon and fork at the same time? Filipinos are gross. I heard they use a spoon and fork at the same time because they want to get the dog and rice all in one bite. Disgusting!

Question lang: Bakit ba paboritong subject ang mga Pinoy for bashing? Nakakapikon na, noh!

http://www.westislandchronicle.com/pages/article.php?noArticle=6063

Monday, April 24, 2006

Back to English

May nabasa akong isang editorial sa Bandera. It was totally supporting the return to the use of English as the medium of instruction in our schools, private and public. According to a survey by SWS (Social Weather Stations), the number of Filipinos who speak, write and comprehend English is now down to 66 percent.

That’s roughly two out of every three. Meaning, one out of every three of our countrymen will not understand this one sentence I am writing now. That really got me worried.

One out of three Filipinos won’t even understand movies like King Kong or Superman or Da Vinci Code. Wala namang subtitle na Tagalog, kaya huhulaan na lang nila ang mga nangyayari sa palabas. Hindi na audio-visual, visual na lang. How sad.

The editorial also said that once upon a time, the Philippines was considered the third largest English-speaking country in the world! Wow! Ang ibig sabihin nito, more Filipinos spoke English than Australia or Canada, where English is the national language? Maybe because we were once a colony of the US?

Today’s 66 percent is down from 77 percent just a few years ago. Parami na nang parami ang hindi nakakaintindi ng wikang Ingles! Based on these numbers, pinag-isipan kong bigla ang mga call centers. Where will they get the workers they need in the years to come if the number keeps going down?

So what should be done about this?

Siguro, for starters, the Department of Education should make use of English mandatory again. Kuwento ng lola ko, noon daw panahon niya, English was used in all schools, even public schools. Kapag nasa loob ng eskuwela, bawal ang magsalita ng Tagalog. Kaya siguro number three tayo noong araw.

Conversely, there is a growing mood for our kababayans in the States and elsewhere to have their kids learn to speak Filipino. This may seem odd because why would they need to learn a language they won’t use anyway? Except at home, of course. But I believe they don’t want their children to forget their roots and that is admirable.

We Filipinos should also relearn English. Not because of “American imperialism” or kasi malansang isda tayo, katulad ng sabi ni Joeyboy (not you, Joeyboy my friend, si Rizal ito hehehe). Rizal himself was fluent in many languages. And Noli Me Tangere was written in Spanish. That did not make him any less nationalistic. Our national hero could speak straight Filipino.

We should be bilingual again. English is considered the global language for business. How true. It gives us an edge over other Asian countries. Sa mga naghahanap ng trabaho, if there is a tie para sa isang position, the one who lands the job is the one who communicates better in English.Yes, in Asia, we’re still the better communicators but 66% is not a safe number anymore.

I think we should start them young, like in public elementary schools. And parents should exert a little more effort. At sana, hindi Taglish or coñotic English (a.k.a “murdered and mangled English”) ang matutunan nila. If ever it becomes mandatory, I hope they speak the language as it is meant to be spoken.

Isa pang bagay na naiisip ko ay ang text language. I know, I know, nagtitipid tayo sa characters at piso, pero hindi siguro tayo dapat nasasanay dito. Text language should stay where it belongs, in LCDs of mobile phones.

Example:
See youc u
I am going to be latem going 2 b l8 (grabe, anong ginagawa ng mga numbers dito?)
What time are we going there?wat tym r we going der? (hala, baka masanay kayo sa ganitong spelling)
I’d like you to meet my wife- id lyk u 2 mit my wyf (can you imagine yourselves writing a thesis this way? Bokya agad ang grade nito hehehe)

Hindi lang English ang binabastos ng kakaibang language na ito, pati na rin Filipino.

Hindi ako makakapuntad me makkpnta
Sunduin nyo ako sa harap ng schoolsunduin nyo me sa hrap ng skul (sunduin “me”?? isang letter lang ang diperensiya noon sa “ako”)
Hindi ikaw at hindi ako ang nanalod u @ d me ang nnlo ( Jeez, ano ‘to, email address?)

Bakit ang dami kong nakikitang ganitong klase ng pagsusulat sa mga blogs? Nakakalungkot naman. Sayang ang ilang taon nating pag-aaral ng correct spelling. Dapat din ba tayong magtipid ng characters sa mga articles o comments? Or is this a whole new language with its own new dictionary which I am not aware of? Hmmm.... baka huli lang ako sa balita o absent ako sa eskuwela nung itinuro ito.

Sunday, April 16, 2006

Ikaw, ang nunal mo at ang kapalaran mo...by Madam Ella

May nakita na naman akong nakakaaliw sa email box ko. Ano raw ang ibig sabihin ng mga nunal sa mukha. Dahil “fans’ ako ni Nora aka Ate guy (hehehe) at ni Ka Gloria (huhuhu), masyado akong naging interesado. Pareho kasi silang may nunal sa pisngi at kung hindi ako nagkakamali pareho pang nasa kaliwa.

At dahil na rin sa ayokong maging malansang isda, isusulat ko sa wikang Filipino ang interpretasyon ko (isama na rin natin ng mga kalokohan ko hehe).

Impotant note: Hindi na nunal ang tawag dito ngayon, “beauty mark” na. Pasensiya na kayo, kalbo ang model natin.First, check your face for any moles, and then look at the diagram above to identify the number(s) that are a closest match to the moles on your face. Usually, the moles only hold meaning for you if they are prominent and they are the only one. If your face if full of spots, acne or "little" moles, they do not count.

*** Humarap sa salamin at tingnan kung nasaan ang nunal ninyo. Grabe naman kayo kung hindi ‘nyo pa alam kung saan nakapuwesto ang nunal ninyo , noh! Kailangan daw ‘yung malaki at kitang-kita. May bonus kapag may buhok pa. Hindi raw kasali ang mga taghiyawat, mga uka, mga peklat at ga-tuldok na nunal.

Position 1 to 3 - As a child, you are somewhat rebellious and a free spirit. You have an innate creativity and work best when you are given a free hand. Generally, your superiors like your avante garde approach to life. If you have a mole here, you are far better off in business and being your own boss rather than working for somebody. What is promising is that you have the luck to be your own boss.

*** Nung maliit ka , nagrebelde ka kasi pangarap mong maging Bumbay. ‘Nung hindi natupad ito, pumayag ka na ring maging syopao. Pero pinilit mong pula lang ang kulay ng nunal mo sa noo dahil ayaw mo ng asado.

Position 4- You are an impulsive person, often acting with a flamboyance that gives you charisma and a sparkling personality. You tend to be rather argumentative, but never to the point of holding grudges. This mole tends to give you an explosive temper and should you decide to remove it, you will find yourself becoming calmer and more at peace with the world.

*** Kalokohan na yata ito. Mainitin ang ulo mo dahil sa nunal? Tapos pag tinanggal ito, daig mo pa ang naka-damo? Hehehe Magandang palusot ito kapag lagi kang nang-aaway. Talo ang PMS hahaha!

Position 5 - A mole above the eyebrow indicates that there is wealth luck in your life, but you will need to earn it and work harder than most people. All the income you make must be carefully kept as there are people who are jealous of you who might attempt to sweet talk you into parting with your wealth. Be wary of those who try to interest you in get-rich-quick schemes. If you have a mole here, it is advisable not to be too trusting of others. Follow your instincts and be cautious. And never allow other people to control your finances.

*** Bakit mo naman ipapahawak sa iba ang perang pinaghirapan mo? Joskohday, hindi mo na kailangang magkaroon ng sangkaterbang nunal sa ibabaw ng kilay para malaman mo na katangahan ang mga gawaing ganito, noh!

Position 6 - A mole here indicates intelligence, creativity and skill as an artist. Your artistic talent can bring you wealth, fame and success. It also indicates wealth luck, but this can only be fully realized if you follow your heart rather than stick to conventional means of making a living. Success will come if you are brave.

*** Kailangan pala kapag may nunal ka mismo sa kilay, eh, a-tapang a-tao ka. At saka magiging artista ka raw? Artistang sumusugod sa giyera? hmmm...teka, parang mali yata ang interpretasyon ko, ah.

Position 7 - Moles under the eyebrows indicate arguments within the extended family that cause you grief and unhappiness. This will affect your work and livelihood. It is advisable to settle any differences you have with your relatives if you want peace of mind to move ahead.

*** Extended family? Ano ba ang ibig sabihin nito? ‘Yung kapitbahay ng kaibigan ng kapatid ng pinsan mo? Sa atin kasi ang tawag sa iyo ng lahat ng tao, kung hindi manang, eh ate o kaya tita. Kaya kahi’t ngayon mo lang nakita ang isang tao sa buong buhay mo, eh, kamag-anak mo na rin. O, huwag ka raw makikipag-away sa mga kamag-anak mo, ha. Ibig sabihin noon, lahat ng tao , pati na ‘yung nagde-deliver ng dyaryo.

Position 8 - This is not a very good position for a mole. Your financial position will constantly be under strain because of a tendency to overspend. You also have a penchant for gambling. The only thing is you must know when to stop. Meanwhile, someone with a mole here has a tendency to flirt with members of the opposite sex as well as with the same sex. Better be a little discerning where you exert your charms! , or you might get into trouble.

*** Oy, ipa-opera agad ang nunal sa ilong. Hindi maganda ‘yan! Bading ka na o kaya T-bird, maghihirap ka pa dahil sa kakasugal.

Position 9 - This mole position suggests sexual and other problems. It is an unfortunate mole and you are well advised to get rid of it. It brings a litany of woes and a parade of problems.

*** Ooops hehehe lantang talong? Mga girlfriends, inspeksyunin agad ang tungki ng ilong ng mga BF o asawa ninyo! Nunal pala ang dahilan kapag kailangan niya ng viagra hahaha!

Position 10 - A mole here just under the nose indicates excellent descendants luck. You are surrounded by family at all times and will have many children and grandchildren. You have the support of those close to you and will be both materially and emotionally fulfilled.

*** ‘Yung lola kong mahilig mag-pasyon, may higanteng nunal sa ilalim ng ilong. Isa lang ang naging anak niya tapos dalawa lang ang apo niya. Hmmm....nasaan ‘yung “many children and grandchildren”?

Position 11 - Moles here suggest a tendency to succumb to illness. It is a good idea to have this mole removed especially if it is a large, dark-coloured mole. Otherwise use lots of foundation to cover it.

*** Naku, ipa-opera ‘nyo agad kapag may nunal sa gilid ng ilong. Lalo na ‘pag maitim (teka...meron bang puting nunal?). Kung takot naman kayong magpa-opera, takpan ‘nyo na lang ng make-up. Kasi make-up foundation is known to cure cancer? (ano ba ‘to?)

Position 12 - A mole here foretells a successful but also a very balanced life. You are likely to be not just rich, but famous as well. But although you have every opportunity to live the high life, you will have a satisfying home and family life as well. Women with moles here are particularly lucky and tend to be beautiful and glamorous as well.

*** Oy, maniwala kayo sa mga kasabihang ito, ha! Totoo lahat ito. Kasi may nunal ako sa gilid ng labi, position 12 (ala Cindy Crawford hehehe) Kitams, lucky, beautiful and glamorous daw ako mwahahaha!

Position 13 - Your children will be a big worry in your life. Your relationship with them is not good. There is nothing much you can do about this except to learn some tolerance.

*** Kung ayaw ninyong ipatanggal ang lintek na nunal na ito, huwag ka na lang mag-anak. O kaya huwag ka na lang mag-asawa para walang problema. (Putsa, dahil sa nunal, tatanda kang nag-iisa, grabe)

Position 14 - A mole here suggests a vulnerability to food which can be a big problem in your life. You may have allergies against certain foods or you may simply be eating too much.

*** At this point hindi ko pa ma-decide kung nagpapatawa ang lokong sumulat nito o hindi. Okey, kapag may nunal ka raw sa ilalim ng labi, eh, saksakan ka ng takaw? Buti na lang wala akong nunal sa position 14, kung nagkataon, pruweba ‘yon na matakaw talaga ako hehehe

Position 15 - You are a person always on the move and constantly renovating and redesigning your house. You like to be introduced to new things and see new places. You are not happy if you remain in one place for long. You enjoy travel and adventure, and have a very observant eye.

*** Hmm...akala ko ang mahilig sa layasan at lamiyerdahan eh ‘yung may nunal sa paa. Kung may nunal kayo sa baba, dapat karpintero kayo o kaya stewardess. Bakit parang malayo, ano?

Position 16- You need to be careful when it comes to eating, and also when it comes to your sex life. These are your two biggest problems. You tend to have weight issues which can make you depressed. You enjoy romance, sometimes with more than one person, but because you are a person with some morality, you will feel guilty about it and this will cause you much stress.

*** Hedonist, ha! Mahilig kumain at mahilig sa sex. Wala akong masabi. Lahat ba ng lalaki may nunal sa position 16 ? (guys, joke lang hehe, lab you all *mwah*)

Position 17 - You will be someone of great social prominence. You are active on the social scene and an excellent conversationalist. There is a tendency to become bigheaded about your success, which could lose you your good name. This will affect you deeply because you draw your confidence and self worth from what others think of you.

*** Catch 22. Paikot-ikot, vicious cycle. Sisikat ka, pero yayabang ka, tapos malulungkot ka kasi mawawalan ka ng kaibigan. Huwag kayang lumaki ang ulo mo, no! Hmp!

Position 18 - You are a person always on the move. There is a great deal of overseas travel in your life, but you should take extra care each time you cross the great waters, as your mole prefers you to stay at home.

*** Hahaha! May decision na ako, comedian ang sumulat nito. O, sige, ‘pag may nunal kayo sa gilid ng noo, puwede ba , makinig kayo sa nunal ‘nyo. Gusto niya sa bahay lang kayo, no! Kapag hindi kayo pinayagan ng nunal ninyo, ‘wag matigas ang ulo!

Position 19 - You have money luck and many good friends, so this is a good mole to have. Your weakness is that you tend to succumb to the charms of the opposite sex. In your life, it is this that could get you into hot water, so do cool your ardour!

*** Uy, cool pala ang may nunal sa gilid ng mata. Kung wala kayo nito, kumuha ng pentel pen at drowingan ng nunal sa position 19. Kung walang pentel pen puwede na rin ang uling hehehe.

Position 20 - A mole here can be very lucky or very unlucky. If you have a mole here, you are destined either for extreme fame or infamy. You have great flair for creativity and are also highly intelligent, but your talents can be used for both good and bad. You are not a person to be trifled with for you are no pushover and do not forgive and forget easily. This mole is a mark of someone who will go down in history either as a great or as a tyrant.

*** Di bale na lang, ipatanggal ‘nyo na lang. Masyadong nakakalito eh. Damn if you do, damn if you don’t.

Position 21-This is a good mole, as it suggests plenty to eat and drink throughout your life. This mole also brings fame and recognition.

*** O, ingat, ‘wag masyadong magkuskos ng bimpo sa mukha ‘pag naghihilamos, ha! Sayang ang nunal na ito, baka mabura. Biro mo, ang daming alak at pagkain hehehe

Position 22 - Your life is always happy and things go smoothly for you. You could well become a sports superstar if you have the passion for it. Moles at the end of eyebrows also suggest a person of authority and power, so, if you are the CEO of a company, you will do very well.

*** Isa lang ang masasabi ko, sipsip!!

Position 23-You have a high IQ, and you are both brain smart and street smart. You have a highly-developed survival instinct and will lead a meaningful and long life. You will be active until a very old age and will have friends and family around you till the very end.

*** Tsk...sayang wala akong nunal sa tenga. Butas, meron. Hindi ba counted ‘yon?

Position 24-You will achieve fame and fortune in your young age and you are advised to use this period to safeguard your old age, as people with moles here tend to have a harder life as they get older.

*** Teka, mukhang totoo nga yata ito, ah. Re: Nora Aunor. Tamo, kung kailan tumanda , saka pa nag-droga. Re: Gloria. Putsa, bakit tayo ‘yung may “harder life” , hindi siya? Bakit ganoon, siya ‘yung may nunal ah waaaah!

Position 25 -You will enjoy good prosperity and recognition luck, but do be careful of excesses. Stay traditional in your attitudes and you will have a long and fruitful life. !

*** Sana lahat tayo may nunal dito, ‘no? Magpalagay na lang kaya tayo kay Vicky Belo?

Wednesday, March 22, 2006

Jollibee burger steak, anyone?

May in-email sa akin si batang palaboy na blogsite ng isang puti kung saan nilait ang Jollibee sa Eagle Rock, California. Isang barkada sila ng foodies and they try out different cuisines. At one point they called themselves “Ugly Americans”. Swak na swak.

“Ugly” kasi ganito ang gawain nila. Kakain sila sa isang restawran o fast food ng isang ethnic group pretending to be brave and cool about “other” cultures. Oorder ng pagkain, using the very convenient excuse of “being adventurous”, kukunan ng sandamakmak na letrato ang mga pagkaing sa totoo lang eh pinandirihan nila. Uupo sa isang mesang napapaligiran ng mga “ethnics” na obviously nage-enjoy sa pagkaing ni ayaw pasayarin ng mga puting ito sa bibig nila.

This is the worst ignorant racist attitude I have had the misfortune of reading. Nagtatago sa likod ng pagkain! I did the entire post and then visited their forum. Pagkatapos ng walang pakundangang pandidiri sa Jollibee food, maraming palusot ang mga deputang ito tungkol sa ginawa nilang panlalait sa pagkaing Pinoy. Kesyo they feel bad daw, they felt mali ang ginawa nila blah blah blah. Bulok ang palusot, pweh! If you really felt that bad about your behavior, bakit mo isinulat? Detalye pa! You blogged insults about our favorite fast food, you moron! Baka akala niya mga gourmet na sila nang lagay na ‘yon?

Kung hindi ako kumakain sa Jollibee at hindi ako Pinoy, sa mga isinulat niya, iisipin kong ang mga Filipino ay kulang na lang kumain ng basura, putik, ebak, burak at kung anu-ano pa! ‘Tangina, di bale kung sufficiently “informed” ang blogger na ‘to, eh. Patatawarin ko pa siya. May nabasa akong ganito, “Where is Manila? I don’t know but they have awesome folders.” Bakit hindi mo pa isinama ang brown Manila envelope, gaga! Her ignorance is not even remotely funny.

Sa bandang ending ng entry, uuwi na raw ‘yung isang kasama nila para isuka ‘yung pagkain sa Jollibee na isinubo niya. Hello?? Siyet, ako kaya ‘yung nasuka pagkatapos kung basahin ang idiotic attempt na ito sa pagiging wannabe food critic. Pero to be fair, nagtaka naman si blogger kung bakit walang Pinoy na nag-correct sa kanya sa email o sa forum na “hey, you are mistaken. Jollibee food is fine etc etc”. Bakit nga ba? Baka kasi dalawa lang ang nagbabasa sa kanya.

Umusok ang tenga ko sa nabasa ko. It went deeper than the food tasting. It smacked of racism, of snobbery. Naawa ako doon sa mga Pinoy na kasalukuyang kumakain na kasabay ng mga naduduwal na puting ito. I know, know, diff’rent strokes for diff’rent folks. Ang masarap kay Pedro ay shit kay John. But in the blogging world, guys, it felt like I was driving in a one-way street na walang katapusan. If she can dish it out, why can’t we? Blog ang ginamit sa panlalait, blog din ang panagot.

Matagal ko nang pinag-iisipan kung isusulat ko ang pananaw ng isang Pinoy sa buhay- Amerika Wala kasing koneksyon sa pamagat at topic ng blog na ito. But don’t worry, I know what I’ll be talking about. I lived that life for a while. Been there, done that. Okey siguro ang mga kuwento ng isang naging miyembro ng Pinoy “ethnic group” sa bayan ng gatas at pulot-pukyutan, “Si Ella sa Amerika”. I will surely enjoy writing about those fools and the “things” they call food.

Pasensiya na kayo kung mukhang nasobrahan ako sa emote. No "ethnic" food deserve this. And it's not even ethnic! It's a burger joint, for crying out loud! Pikon talaga ako pagdating sa mga kayabangan at panlalait ng mga higanteng anak-araw na ignoramus (ooops, I sounded racist here, sorry).

http://www.pamie.com/archives/pamie/open_up_and_say.html

Pamela Ribon is an author, screenwriter, actor, and Wonder Killer. This is her diary. Sort of.

Wednesday, February 01, 2006

“Maganda ba?”….. “Hmmm….mabait.”


“Pogi ba? .… “Hmm…mabait siya”. Sa ganitong mga banat ako tawang-tawa. Pero ‘pag mainit ang ulo ko, inis na inis naman ako. “Read my lips, please! P-o-g-i ang sabi ko, hindi santo!” Minsan may ganito pa. “Scale of 1-10?”…. “Hmmm….matangkad”. Ang layo na nun, ah!

Ewan ko ba kung bakit hindi masagot ng mga Pinoy nang deretso ang ganitong klaseng tanong. In the first place, bakit naman kailangang itanong? Rougemaxi, my dear, ito ang aking suggestion for your first topic sa blogkada forum. Mahalaga ba ang physical attributes ng lalaki o babaeng balak mong maging partner sa buhay at bakit? At dahil malapit na ang Araw ng mga Puso, we want honest to goodness answers hehehe. Walang “hmmm…mabait” at “hmmm….matangkad” please.

Sasagutin ko naman ang sarili kong tanong. Mahalaga sa akin ang “gene pool”. I know, I know, hindi natuturuan ang puso. Ang pag-aasawa, ika nga ng matatanda ay walang pinag-iba sa akyat-bahay. Wala kang kamalay-malay sa pagkakahimbing, ubos na pala ‘yung mga hinuhulugan mong appliances. Sa pag-ibig, wala ka ring kalaban-laban kay kupido. There ought to be a law. Bawal bigyan ng pana ang mga batang may pakpak.

Attraction, ‘yan siguro ang unang step. Hindi ako naniniwalang “beauty is in the eye of the beholder”. Hindi kasali rito ‘yung mga cultures na naglalagay ng plato sa bibig o makapal na alambre para humaba ang mga leeg na parang pato. Beauty is universal. It’s but natural na mapansin natin ang mga taong may “dating”. Sa aminin ninyo o hindi, kaya nagkakaroon ng spark of interest ay dahil may nakita kayong maganda sa isang tao.

Wow, ang ganda ng legs niya! Ang ganda ng mukha, ng buhok, ng mata, ng ilong, ng skin, ng boobs. Pati tambok ng puwet, sukatan na rin ng ganda. Wala pa akong narinig na nagsabi ng ganito: “Type ko siya kasi ang laki ng butas ng ilong niya.” Naku, ha, kahi’t pangit ang lahat ng parte ng mukha at katawan, may hahanapin pa ring maganda. “Na-attract ako sa pustiso niya eh. Mukhang totoong ipen”. O, ‘di ba?

Next, ang personality. Opposite poles attract, one of the laws of physics. Also true sa ugali ng tao. Kaya nga may mga telenovela, eh. Kung ano ‘yung wala ka, natural, ‘yun ang hahanapin mo sa iba. Pag medyo mababa ang IQ, nai-impress sa matatalino. Kung sino ‘yung pangit (pasensiya na po sa kasalbahihan ko) siya naman ang sobrang hilig sa maganda o pogi! ‘Yung mga silent type, naaaliw sa makukulit. ‘Yung mga salat sa salapi, naa-attract sa laman ng bulsa. Paradahan lang ng kotse, kahi’t pinsan ni King Kong, nagiging mukhang artista na.

To reiterate, in the end, wala pa rin tayong laban sa pana ni kupido. But first, some physical or abstract part of his or her personality should have caught your attention para tumalab ang nasabing pana. Priming or prepping , ika nga. Dapat “mapansin” mo muna siya. Dito na papasok ‘yung “common interests”. Kailangan nasa iisang lugar kayo, pursuing the same interests or activities bago kayo parehong ma-target ng makulit na pana, ‘di ba?

Maging asawa ko kaya ang soul mate kong si Pedro na nasa kabilang panig ng mundo? Mukhang imposible unless sumakay siya ng eroplano, barko, jeep, tricycle at kung ano-ano pa para makarating lang sa akin. On the other hand, may tsansa kaya ako kay Kenji kahi’t may mahal na siyang iba? (hehehe ang lakas magparinig, ah). O kay tikiboy kahit ayaw niyang mag-asawa? (ilag, tikiboy hahaha!). Meron, ‘di ba? Kasi nagkikita kami lagi sa internet! Kaya nga maraming cyber romance eh. O, kenji at tikiboy, baka naman maglaho kayong parang bula ah, hehehe.

Teka, nasaan na ba ako? Ah, oo nga pala, sa common interests. Self-explanatory naman ito, eh. So, at last, to answer my own question….yes, Virginia. Mahalaga sa akin ang physical and mental attributes in choosing my future partner in life, the gene pool I was talking about. There is such a thing as progeny. Ayokong magkaroon ng mga anak na ako lang ang magsasabing pagkagaganda! Ayokong magpa-aral ng mga anak habang-buhay (dahil 20 lang ang IQ, nasa talampakan pa). Ayokong masisi ng mga anak ko balang araw dahil kailangang ipa-repair pa ang mga ilong nila.

But, alas! May hinala akong kakainin ko lahat ang mga sinabi ko kapag dumating na si Pedro. For the simple reason that we don’t fall in love because blah blah blah. We just do. Happy Valentines’s Day to you and your one and only, my friends!